Home-TIBIAO



Reaching All Tibiaoanons Around The Globe

ADD me

facebook: home.tibiao.com@gmail.com

Redesign_468x60

 Home-TIBIAO

Name: Rex Q. Omalde

User Name: yhetz03, bovixz

Permanent Add: Martinez, Tibiao, Antique

Occupation: Civil Engineer/Licensed Master Plumber

( Specializing on Design and Construction Management, Plumbing & Sanitary)

Other: Water resources engineering, Roads & highways, Land Development , Planning

Hobbies:  Writing (blogs & literature) Reading books, Watching Movies

               ( web developer & blog caster )

Others: Landscaping, house designing, song writing

Sports: I'm a fan of boxing, basketball & baseball

Music: I love music (but don't expect me to sing lols)

  MP3 Downloads

     Ako ay tubong Tibiao. Dito ako ipinanganak, nag-aral mula elementarya, high school hanggang mag kolehiyo. Napamahal na sa akin ang bayang ito. Dito nahubog at nalinang ang aking kaisipan. Dito ako natutong maglakad, magsalita, magsulat at magbasa. Tulad ninyo, maraming alaala at makabuluhang pangyayari ang hinding hindi ko malilimutan kailanman at buong puso kong ipinagmamalaki ang bayang ito kahit saan man ako naroroon.

     Nakatira ako sa malayong bayan. Hindi naman masyadong kalayuan, pero nasa ibang bayan. Trabaho ang dahilan kung kaya't labag sa aking puso, iniwan ko ang bayan ng TIBIAO . Hindi naman totally iniwan. Kailangan lang  ng trabaho na akma sa aking propesyon at dala na din ng mga pangunahing pangangailangan.

     Sa aking paglalakbay, pangingibang-bayan at pati na rin ng aking pananaliksik, nakita ko ang iba't ibang antas ng pamumuhay, ekonomiya, kultura at dispiplina na mayroon sa iba't ibang mga lugar. Dito tumatak sa aking isipan ang umuusbong na pag-asa. Pag-asang balang araw, makita ko ang bayan natin na maunlad, tahimik, masaya, sama-sama at puno ng disiplina. Ito'y pag-asa na kahit sa panaginip ay pinipilit kong ating maabot, makamit at matamasa. Subalit sa kabila nito ay naroon ang isang napakabigat na balakid na s'yang lumilipol sa mga adhikain ng bawat sa atin. KAHIRAPAN. Ito ang balakid na pilit nating pinaglalabanan. 

     Paano natin magapi ang kahirapan? Ito'y isang malaking katanungan na gumugulo sa aking isipan. Oo, maraming paraan subalit nangangailangan din ng maraming katawan. Hindi ito kayang gapiin ng nag-iisa lamang. Hindi na uso ang "Bahala na si Batman". Kailangan natin ang magsama-sama, magsumikap at ipakita ang pagsuporta kahit man lang sa napakaliit na bagay na ating makayanan. 

    Pinananabikan ko din ang Tibiao. Dalawang beses isang taon pinipilit kong umuwi para maibsan man lng ang aking pananabik. Oo masaya dito sa tinitirahan ko pero walang kasing saya ang mamuhay sa lugar kung saan ka pinanganak at nagkaisip. Tahimik, malaya, masaya. 

    Tanda ng aking pakikiisa, ginawa ko itong pitak na ito para ipakita ang aking pagsuporta hindi lamang sa bayan natin kundi pati na rin sa inyong kapwa ko Tibiaoanon saan man kayo sa mundo. Layunin kong magkaisa tayong lahat at sana sa pamamagitan ng site na ito, ay maipahayag natin ang ating pagmamahal sa ating inang bayan.

    Inaasahan ko ang suporta ninyong lahat!

 

Lubos na gumagalang,

Home-TIBIAO

 

 free counters

 

Recent Videos

1212 views - 0 comments
1442 views - 0 comments
1284 views - 1 comment